41

Feb 25, 2021 @ 16:04

Jopay buntis uli

Masayang inanunsiyo nina Jopay Paguia at Joshua Zamora na magkakaroon na sila ng pangalawang anak.

“Thank you kay Lord dahil binigyan niya kami ng second baby. Hindi ko alam basta masyadong happy lang dahil ito nga hindi madali, e. Mga two and a half years din kaming naghintay. Kaya sa aming friends and family, we have a second baby na,” sambit ng dating SexBomb dancer sa kanilang vlog.

“Ang baby na ito ay ‘di lang siya isang pandemic baby kundi pinag-pray namin ito ni Joshua, as in,” aniya pa.

Nagpasalamat din ang aktor dahil darating na ang isa pa nilang baby girl.

“Of all the things na nangyari, mga complaints, depression, in the past few months pero this time, it’s a blessing! And talagang nire-receive namin ‘yan. Thank you, Lord,” ani Joshua.

Sabi ni Jopay, inaasahang lalabas ang kanilang sanggol sa katapusan ng Abril o sa unang linggo ng Mayo.

Kinasal sina Jopay at Joshua noong 2014.

Pebrero 2015, nakaranas ng miscarriage si Paguia. Disyembre 2017 naman, sinilang ang kanilang panganay na si Isabelle Alessa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?