43

Oct 5, 2020 @ 19:53
By

Jonvic Remulla walang balak mag-national

Iginiit ni Cavite Governor Jonvic Remulla na nagko-comment siya tungkol sa mga national issue ay hindi dahil sa gusto niyang pumasok sa national government.

“Kung napapansin n’yo po na ang aking mga post ay hindi po laging tungkol sa Cavite. Minsan, nagco-comment po ako tungkol sa national issues hindi dahil gusto kong mag-NATIONAL …” tweet ni Remulla, October 5.

Aniya, ang concerns ng Cavite ay concerns ng national, at ang concerns sa national ay concerns sa Cavite.

Wala rin daw kontes sa pagitan nila nina Manila Mayor Isko Moreno, Pasig Mayor Vico Sotto at iba pang local government official dahil malaki ang paghanga niya sa mga nagagawa ng dalawa.

“So wag na po tayo mag kumpara kung sino mas malakas, pogi, magaling etc.” aniya.

“Tandaan, kaunti na lang ang natitirang pogi sa mundo. So ang mga pogi ay dapat magtulungan para sa ikabubuti ng nakararami. Magandang gabi po sa inyong lahat at maraming salamat sa patuloy na suporta,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?