170

Aug 11, 2021 @ 12:44
By

Jonvic dinepensahan si Yorme: Hindi siya kahihiyan sa Maynila!

Niresbakan ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang mga banat kay Manila Mayor Isko Moreno kaugnay sa pagiging artista at modelo nito bago maging politiko.

“Hindi ito isyu. What’s important is that Yorme never lied, did not steal, kill nor did he ever broughf shme to the great people of Manila as a public servant,” hirit niya sa kanyang Facebook post.

“Ang paghatol sa kalaban sa pulitika ay dapat tungkol sa kanyang kakayanan bilang Serbisyo Publiko at hindi paninira lamang base sa kanyang nakaraan o noong siya ay bata pa. Wala naman siya sa kapangyarihan o posisyon noong mga panahon na iyon,” pagpapatuloy niya.

“Eh kung sexy lang din ako at pogi noong araw? Ala-Richard Gomez? Malamang nag-showbiz na din ako.”

Kaugnay ito sa pagbanat ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes sa isang opisyal na umano’y “parang call boy.”

Pinaringgan ito ng Pangulo dahil sa makailang beses niyang pagsisi sa kanyang mga kinasasakupan para sa kanyng mga kapalpakan.

“Ang traning para lang, parang call boy. Naghuhubad, nagpi-picture, nakabikini tapos yung garter tinatanggal niya, hinila niya, tiningnan niya yung..dapat magsama sila ni Paredes,” sambit niya.

Nagkaroon naman ng haka-hakang si Moreno ang pinasasaringan nito dahil dati siyang naging modelo ng salawal bago magbigay serbisyo sa publiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?