214

Mar 8, 2021 @ 19:14
By

Jonix Rosales gusto makalaban si Terrence Romeo

Hindi umaatras sa kahit anong hamon ang PBA aspirant na si Jonix Rosales.

Kaya nang matanong sa ‘Sportalakan’ ng Abante News Online kung sino ang gigil siyang makaharap sa court, ito’y walang iba kundi si Terrence Romeo.

“Alam ko mapapanis ako nitong tao na ‘to, pero si Terrence Romeo,” saad ni Rosales, na dating naglaro para sa AMA (PBA D-League) at MPBL.

“Idol ko ‘yun since FEU days niya,” aniya pa, na pinuri ang pagiging matinik sa scoring ni Romeo.

Para naman sa kanyang dream team sa PBA, nais niyang mapunta sa NorthPort dahil kay coach Pido Jarencio.

Kuwento ni Rosales, nag-tryout siya dati sa Team B ng University of Sto. Tomas, kung saan dating naging mentor si Jarencio.

“Napapanood ko rin ‘yung Team A na nagpa-practice, na-elibs ako ang ganda lang nung system niya sa training, naka-focus lahat,” saad ni Rosales.

“So for sure kung papaano niya i-handle ‘yung UST noon, ‘yun din yung way kung paano niya i-coach [‘yung NorthPort].”

Isa si Rosales sa mga draft applicant sa 2020 PBA Draft na gaganapin sa March 14, Linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?