114

Aug 2, 2019 @ 22:50
By

Jones, TNT vs McCullough, SMB sa PBA Finals

Itinakda ng San Miguel ang pakikipagtuos sa TNT sa 2019 PBA Commissioner’s Cup Finals tapos tiklupin ang semifinals series nila kontra Rain or Shine, 98-95, nitong Biyernes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Kinapitan ng Beermen ang kanilang import na si McCullough para burahin ang Elastopainters sa Game Four.

Bumuhos ng 35 points, 18 rebounds at five blocks si McCullough para itagay ang panalo ng SMB.

Sisiklab ang Game 1 ng best-of-seven finals sa Linggo sa Big Dome muli.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?