33
Jones, Pogoy sinawata sa 1,000th win ang Ginebra
By

Jones, Pogoy sinawata sa 1,000th win ang Ginebra

Nagposte ng triple-double si Terrence Jones habang career-high mark si Roger Pogoy para muling pigilan ng TNT KaTropa na masungkit ng Barangay Ginebra San Miguel ang asam na ika-1,000 panalo sa Philippine Basketball Association, 104-96, sa Commissioner’s Cup eliminations Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum, QC.

Nagtala ng career-best 38 points si Roger Pogoy mula sa likod ng 10 of 18 sa 3-points habang nagdagdag pa ng 5 rebounds, 4 assists, 4 steals at isang block upang itulak ang Texters sa tatlong magkakasalo liderato at isalya ang defending champions sa 2-3 win-loss record para sa ikapitong puwesto.

Psote ng TD si Jones sa kinolektang 17 markers, 14 boards at 16 feeds kasama ang anim na blocks. Siya rin ang nagpalayo sa TNT sa 12 puntos na abante sa natitirang 2:12 minuto ng final quarter, 104-92 mula sa isang three-point play tungo na sa pagkolekta sa ikatlong sunod nitong panalo at hanayan sa liderato ang Blackwater at NorthPort (5-1).

Binagsak ng KaTropa ang 10-2 run sa pagbubukas ng last stanza upang itabla ang labanan sa 79-all tapos mapag-iwanan ng Gin Kings ng 10 puntos, 69-79.

Unang nilista ng crowd darlings ng Ginebra ang 74-64 lead mula sa isang tres ni Sol Mercado bago mag-alsa ang Texters.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?