17
ABANTE-TNT jones bridge manila philippines
By

Jones Bridge bawal tambayan sa araw ng Traslacion

Sharing is caring!

Hindi papayagan ang mga deboto na manatili sa Jones Bridge sa araw ng prusisyon ng itim na Nazareno sa Martes, Enero A-Nuwebe.

Paliwanag ni Johnny Yu, head ng City Disaster and Management Office ng Maynila, bagamat kaya ng tulay na i-accommodate ang bigat ng mga tao na lalako sa Traslacion ay may bagong regulasyon sila na bawal na tumambay sa tulay ang mga tao.

Aniya, bago pa man dumating ang andas ay kailangang walang sinuman o grupo na mga indibiduwal na magkukumpulan sa tulay dahil kanila na itong isasara habang wala pa ang imahe ng Poon.

Saka nalamang aniya nila bubuksan ang tulay kapag tuloy-tuloy na ang takbo ng andas. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?