8

Sep 16, 2020 @ 23:04

Jones binalaan ni Williams vs Tyson

Binalaan ni dating World Boxing Council (WBC) heavyweight challenger Daniel Peter ‘Danny’ Williams ng Britain si former four-division world titlist Roy Jones Jr. na makikibagbanatan kay former undisputed world heavyweight champion Michael Gerard ‘Mike’ Tyson sa eight-round exhibition sa Los Angeles sa Nobyembre 28.

Ayon kay Williams na niyanig ang sport nang patulugin si Tyson sa kanilang 2004 non-title bout, masyadong liyamado sa natural na laki ang 54 na taong gulang na Amerikanong si Tyson kaysa sa 51-anyos na American-Russian na si Jones.

‘I think Roy is going to get seriously hurt. He is a natural middleweight,’ bulalas ni Williams, 47, na muling nagretiro sa nakalipas lang na linggo sa payo ng mga kapwa boksingero.

Aminado naman si Jones na maaring dumating na pagsisihan niya ang pakikipag-upakan kay Tyson – kilalang isa sa pinakamalakas bumanat sa lahat ng panahon at maaring taglay pa rin nito ang pambihirang lakas.

‘When it comes time to fight, we’re going to fight. If it comes down to bite, we’re going to bite. Whatever has to happen, is going to happen, that’s just what it is,” aniya.

Hinirit ni Jones na alam niya na isang dating MIkle Tyson pa rin ang makakatuos niya, na nananatiling malakas, eksplosibo kapag umaakyat ng ring kaya puwedeng nagkamali siyang harapin ito.

Pinanapos niyang siguradong aatakihin siya agad nito sa first round pa lang, pero taktika niya iyon at kahit lamang si Tyson ng 40-50 lbs., mahirap pa ring maniguro aniya ang isa sa kanila sa mananalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?