13
jonas
By

Jonas Sultan, relax muna bago bakbakan

Sharing is caring!

Bago sumabak sa matinding bakbakan ang Pinoy boxer na si Jonas Sultan ay nakahanap siya ng perfect timing upang makapagrelax.

Habang busy buong araw ang challenger at IBF super-flyweight champ na si Jerwin Ancajas sa pag-eensayo sa kampo sa Monterey Park, parelax-relax lamang ang 26 year-old na si Sultan sa kanyang tinutuluyan.

Naglalaro lamang si Sultan ng cellphone games at kung minsan ay tumutugtog siya ng gitara habang kinakanta ang blues away ng Jackson 5.

Bukod pa doon, kinahiligan rin ni Sultan ang kantang ‘Bakit Ba?’ ng bandang Siakol.

Nagawan pa ng video si Sultan habang tinutugtog at kinakanta ang Bakit Ba? At naipost sa social media.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?