314

Jul 23, 2018 @ 16:36
By

Jon Lucas suspendido pa rin sa Showtime

Wala pa ring linaw kung kailan matatapos ang suspension ng Hashtag member na si Jon Lucas sa It’s Showtime, pero sa presscon nga ng pelikulang Dito Lang Ako, wala na namang inilihim ang aktor at hindi lang ang pagkakaroon ng eight-month baby ang inamin niya dahil sinabi na ring kasal na siya sa nanay ng kanyang anak.

Ayaw na raw kasing maglihim pa ni Jon tungkol sa lahat ng mga bagay sa kanyang buhay at umaasa na lang siya na matatanggap ng kanyang mga fan ang tungkol sa katotohanang ‘yon. Better na raw na sabihin niya ang totoo kesa ilihim pa.

Samantala, masaya siya na for the first time ay magbibida siya sa isang pelikula, ang Dito Lang Ako na kapareha niya si Michelle Vito. Umaasa rin si Jon na after ng Dito Lang Ako ay marami pa rin siyang mga proyektong magagawa lalo na sa kanyang home network, ang ABS-CBN. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?