Jomari-Yllana
By

Jomari Yllana excited nang maging daddy uli

Sharing is caring!

Handang-handa na at masaya si Jomari Yllana sa inaasahang ‘daddy-to-be’ again nya sa mga susunod na buwan.

Gaya nga nang naisulat namin nong nakaraang taon, buntis ang live-in girlfriend nyang si Joy Reyes.

Proud Dada ♥️♥️♥️

A post shared by Jomari Yllana (@jomariyllana) on

At base sa pinakahuling conversation namin ni Joy, kalmado na siya dahil maayos na ang takbo ng kanyang pagdadalangtao.

Nakaposte sa Instagram wall ni Jomari ang ilang mga photos na nagpapakita ng kasiyahan nya sa piling ni Joy at sa pagbubuntis ng kasintahan.

December 7 ang unang posting ni Jomari ng ultrasound photo ng ipinagbubuntis ni Joy.

@jomariyllana, “Proud Dada”, ang caption nya sa photo.

December 18 nag-poste siya ng selfie photo nila ni Joy na nagpapakita ng baby bump nito.

@jomariyllana, “love the babies”, sabi nya sa photo na ang tinutukoy nyang isa pang baby ay ang kasintahan.

Ang latest photo ni Jomari ay nong katatapos lang ng pagsalubong sa Bagong Taon. Nakakandong sa kanya si Joy at nakayakap naman ang huli sa kanya.

@jomariyllana, “love them babies. #dad2be #mom2be #2018 #amdg.”

Isa lang itong pagpapatunay na handang-handa na si Jomari sa papasukang buhay bilang second-time daddy.

Ang unang anak ni Jomari ay kay Aiko Melendez, ang naga-artista nang si Andre Yllana.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?