0
views

By

Jomari Yllana, brand new daddy!

Sharing is caring!

Nanganak na ang live-in partner ni Jomari Yllana na si Joy Reyes.

Kagabi, July 12, ipinost ng actor-turned-politician ang kuha nila ng kanilang baby na si Christiano Ayrton Yllana at binigyan nila ng palayaw na Baby Jomjom.

Maliban sa IG caption ni Jomari, wala nang iba pang detalye tungkol sa bagong baby ng Parañaque councilor at sa panganganak ng kanyang girlfriend.

“You make me smile, you make me sing. You take my breath away. We welcome you to our family [Chistiano] Ayrton Yllana Baby Jomjom (red heart emoji),” caption ni Jomari sa kanilang photo ni Baby Jomjom.

Ang panganay na anak ni Jomari kay Aiko Melendez na si Andre Yllana ay turning 20 years old na sa darating na September 7.

Almost 15 years na ring hiwalay sina Jomari at Aiko. Ikinasal sila nu’ng 2000 at nag-divorce nu’ng 2003. Aiko has found a new love sa katauhan ni Subic Mayor Jay Khonghun.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?