16

Mar 19, 2021 @ 11:38
By

Joma ulyanin kaya bumitaw kami sa peace talks – Duterte

Paiba-iba umano ang takbo ng utak ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding Chairman Jose Maria Sison kaya kumalas ang gobyerno sa peace talks.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng mga nagbalik-loob na miyembro ng New Peoples Army sa ginanap na joint meeting ng National Task Force at Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Tacloban City.

Sinabi ng Pangulo na hindi niya maarok ang pabago-bagong takbo ng utak ni Sison noong mga panahong ikinakasa ang usapang pangkapayapaan kaya hindi na lamang itinuloy ng gobyerno ang peace talks.

Para aniyang may dementia si Sison dahil paiba-iba ng isyu kaya minabuting itigil na lamang ito.

“I cannot fathom the brain of Sison. However you prick it, wala na eh. He has I don’t know if dementia or something. He keeps on transferring from one topic to another that finally I thought that peace through negotiation sa kanila hindi puwede so nag-give up na ako,” anang Pangulo.

Ginawa aniya ng gobyerno ang mga hiniling ng Kilusang Komunista gaya ng pagpapalaya sa mag-asawang Tiamzon subalit nauwi rin sa wala.

Sinabi ng Pangulonna sa loob ng 53 taon ay wala itong nakitang nakamit ng kilusang komunista, at sa halip ay naging grupo ng mga bandido.

Patay na aniya ng idelohiya ng Komunismo, at gaya ng Russia at China na tumalikod nito, sila na ngayon ang nangungunang kapitalista sa buong mundo.

“You, the communist has not achieved anything at all. At ang pinapahirapan nila, the persons that they are trying to protect kuno, they are the oppressed sa bukid,” dagdag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?