114

Dec 16, 2017 @ 14:27
By

Joma Sison, out of touch! – Palasyo

Hindi alam ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Jose Maria Sison ang tunay na nangyayari sa bansa.

Ito ang inihayag kahapon ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar makaraang ihayag ni Joma Sison na malapit na umanong umatras ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa kanya.

Ayon kay Andanar, malinaw na napag-iwanan na ng teknolohiya si Sison kaya hindi nito alam ang tunay na nangyayari sa bansa.

“Obviously, Joma Sison is really out of touch. Malayo siya sa Pilipinas, matagal na siya sa The Netherlands at kahit anong technology meron tayo kung hindi nakakausap ‘yung mga tao lalong-lalo na sa ground ay hindi talaga napupulsuhan nang maayos,” ang sabi ni Andanar.

Tiwala ang kalihim na malakas ang militar at pulisya at tapat sa Pangulo at sa bansa kaya’t hindi papayagang manaig ang puwersang nais magpabagsak sa gobyerno.

Nag-ugat ang pag-iingay ni Sison laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa gobyerno makaraang ideklarang terorista ang mga ito.

Hinihintay na lamang ang kapasyahan ng korte na magpapatunay na isa nang terorista ang grupo ni Sison at New People’s Army.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?