97

Jan 2, 2019 @ 19:35
By

Joma Sison: Pagpapatalsik kay Duterte prayoridad ngayong 2019

Sinabi ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison na bukas sila na matuloy ang peace talks ngunit pagdidiin niya, ang kanilang prayoridad ay mahubaran ng kapangyarihan ang Punong Ehekutibo.

“The NDFP is authorized to be open to peace negotiations with the current and prospective regime of the reactionary government but its principal work now is to work for the ouster of the Duterte regime,” ayon kay Sison.

Umayaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa peace talks dahil sa patuloy na pagpatay ng mga rebelde sa puwersa ng gobyerno.

Nais ng government peace panel na ihinto na ng New People’s Army (NPA) ang kanilang armadong pakikibaka bago muling matuloy ang usapang pangkapayapaan.

Idineklara rin ng administrasyong Duterte na teroristang grupo ang NPA ngunit napigilan ito ng pagdulog ng NDFP sa korte.

Ngayong bagong taon, ayon kay Sison, inaasahan na ng NPA na mas lalala ang sitwasyon sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?