92

By

Joma Sison makakalusot sa batas sa kabila ng terrorist tag – Palasyo

Sharing is caring!

Posibleng makalusot sa kamay ng batas si Communist Party of the Philippines founding Chairman Jose Maria Sison kahit pa naideklara ng terorista ang kanyang grupo.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na nakapag-avail na ng citizenship si Sison sa The Netherlands matapos itong kumuha ng assylum at isa na siyang Dutch national.

Dahil dito sinabi ni Roque na pag-aaralan pa ng Palasyo kung kasama si Sison sa mga aarestuhin sa ilalim ng inilabas na deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Gayonman, kapag may nakita aniyang legal na basehan ang gobyerno na may kumpas at siya pa rin ang nagpapatakbo sa CPP-NPA kahit wala ito sa Pilipinas ay maaari itong arestuhin base sa nakasaad sa United Nations Security Council Resolution.

” I do not know what will happen to Joma. I do not know the status of Joma because Joma—I understand has taken Dutch citizenship ‘no.

He is a foreign national unless there’s legal basis to—well it can be proven that he is, in fact, a part of CPP-NPA ‘no. Then the relevance of UN Security Council resolution can be invoked ‘no and if it can be proven that he provided material support to the CPP-NPA then he can be proceeded against,” ang pahayag ni Roque.

Dahil naihanay na sa katergorya ng mga terorista ang CPP-NPA, sinabi naman ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na lahat ng mga kasunduan ay wala ng bisa at ang mga pansamantalang pinalayang mga lider ay maari na muling arestuhin ng mga otoridad.

“Iyong mga agreements na made prior to ay invalidated na lahat iyon. Iyong mga leaders pansamantalang pinalaya sa jail,binigyan ng pass, ngayon ay puwede na silang arestuhin anytime,”ang pahayag ni Atty. Panelo. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?