24
views

By

Joma Sison hindi kailangan sa peace talks – Lacson

Sharing is caring!

Kinatigan ni Senador Panfilo Lacson ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi kailangan sa usapang pangkapayapaan sa mga makakaliwa si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison.

Sa panayam ng Super Radyo DZBB, sinabi ni Lacson na walang saysay na isali si Sison dahil wala itong kontrol sa New People’s Army (NPA).

Bukod dito, hindi umano magtatagumpay ang anumang pakikipagnegosasyon kay Sison at sa grupo nito dahil hindi nila hangad ang kapayapaan.

Hangad umano nina Sison ang pagbagsak ng gobyerno at pag-agaw ng kapangyarihan nito.

“Kapag idinaan mo sa kaniya (ang peace talks) wala namang mangyayari dahil wala siyang kontrol sa ibaba, sa New People’s Army,” ani Lacson.

“Bakit tayo makikipag-usap sa mga grupo na ang agenda ay pabagsakin ang gobyerno?” dagdag nito.

Inulit ni Lacson ang mungkahi na gawing “localized” ang usapang pangkapayapaan.

Sa superbisyon ng national government, maaari umanong ibaba sa mga lokalidad ang usapang pangkapayapaan kung saan maaaring lumahok ang mga lokal na opisyal na puwedeng direktang kumausap sa mga lider-rebelde sa kanilang nasasakupan. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?