39

By

Joma Sison hinamong umuwi para pangunahan ang Duterte ouster

Sharing is caring!

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi kasalanan ng pamahalaan kung hindi natuloy ang usapang pangkapayapaan dahil si Sison mismo ang umayaw sa kabila ng mga inialok sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pag-uwi sa bansa.

Tinawag ni Roque na mayabang si Sison at ang akala ay siya ang tagapagligtas ng bansa.

“Hindi po kasalanan ng gobyerno na ‘di natuloy ang peace talks. Si Joma Sison po ang umayaw. Tayo po ay mga Filipino, ang sabi ng Presidente dito tayo mag-usap ng kapayapaan, binigyan ng garantiya na ‘di siya ikukulong pinawalan nga ang anim na mataas na liderato ng CPP NPA para makasapi sa peace talks.

“Sinabi pa nga na itigil lamang ang pangongolekta ng revolutionary taxes e gobyerno na magbibigay ng pangangailangan ng CPP NPA habang nag-uusap ng kapayapaan pero talaga namang mayabang itong si Joma Sison, akala niya siya ang savior ng bansa,” ani Roque.

Nananaginip aniya si Sison nang sabihing patatalsikin nito ang Pangulo at lalong hindi nakapagtataka dahil 70-anyos na ang lider komunista at hanggang pangarap na lang ito.

“Mantakin n’yo patatalsikin daw si Presidente, ‘di raw matatapos ang termino…Jooomaaaah Sisoooooon gumising ka naaaaaa, managinip ka na ‘di ka puwede magpatalsik ng gobyerno ‘pag ika’y nasa Europa, napakatagal mo na diyan umuwi ka na dito ikaw ay mabuhay dito sa Pilipinas nang makita mo iba nang kondisyon ‘yung mga pinapanaginip mo ‘di na mangyayari. Napakaganda na ng ekonomiya ng bansa bagama’t meron pa ring kahirapan, napakarami nang nakaahon sa hirap palibhasa napakatagal mong nagpapakasasa sa ibang lugar ‘di mo na alam ang kondisyon dito sa Pilipinas,” dagdag pa ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?