13
views

By

Joma Sison, batang isip – Lorenzana

Sharing is caring!

Hindi na nagtaka pa si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pabago-bagong pahayag ni National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Chief Political Consultant Joma Sison kaugnay sa isinusulong na usapang pangkapayapaan.

Sinabi ni Lorenzana, unang nagmakaawa si Sison na ituloy ang peacetalks pero bigla na lamang ito nagpahayag na hindi na sya makikipag-negosasyon sa gobyerno at nagbanta pa ng destabilisasyon sa administrasyong Duterte.

Sa pinakahuli pang pahayag ni Sison itinanggi nitong hindi niya desisyon ang pagsuspendi ng peacetalks dahil ito aniya ay desisyon ng National Council ng NDF.

At bilang sagot aniya sa pagiging batang isip ni Sison ay itutuloy pa rin nila ang pagsulong ng localized peace talks.

“Mr. Sison, in response to your childish tantrums we will vigorously pursue the ongoing localized peace talks. I am sure that once you are out of the picture, true peace will have a chance to become a reality and you will be consigned to the dustbin of history.”sinabi ni Lorenzana.

Naniniwala pa ang kalihim na kapag hindi na kasama sa isinusulong na peace talks si Sison ay mas matutuloy ito at magkakaroon ng totoong kapayapaan sa bansa.

Sinabi naman ni AFP public affairs office Chief Col. Noel Detoyato na ulyanin na talaga si Sison dahil nakakalimutan na nito ang kanyang mga naunang pahayag patungkol sa peacetalks.

“Ulyanin na talaga siya. Pati sinabi nya di niya maalala.()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?