By

Joma, Satur at iba pa, kasama sa listahan ng mga terorista- DOJ

Sharing is caring!

Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre II na kasama si Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Jose Maria Sison at Dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo sa may 600 katao na iniuugnay sa CPP at New People’s Army (NPA) sa listahan ng mga terorista sa petisyon na inihain ng DOJ sa Manila Regional Trial Court.

Ang petisyon ay bahagi ng proseso para madeklarang teroristang organisasyon ang CPP-NPA alinsunod sa itinatakda ng Republic Act No. 9372 o Human Security Act of 2007.

Ayon kay Aguirre, kasama rin sa listahan sina UN special rapporteur on the rights of indigenous peoples Victoria Tauli-Corpuz, mga consultant ng National Democratic Front na sina Benito at Wilma Tiamzon, Rafael Baylosis at Dating peace panel chief Luis Jalandoni.

Giit ni Aguirre, ang listahan ay may basehan dahil ito ay resulta ng pananaliksik at ebidensya na nakalap mula sa mga otoridad at intellitenge agencies.

“This list is a product of research and evidence supplied by police authorities and intelligence agencies. If they have evidence to the contrary, they should just answer the petition and the court will hear them. This case should not be tried through the media,” saad ni Aguirre.

Nauna nang umalma si Corpuz sa pagkakasali niya sa listahan na tinawag niyang walang batayan at malisyoso.

Si Corpuz ay dating pinuno ng UN Permanent Forum on Indigenous Issues at pinangalanang UN special rapporteur noong 2014.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?