24

Aug 25, 2020 @ 15:57
By

Jolo twin bombing ganti sa pag-aresto ng Abu Sayyaf leader

Pinaniniwalaan ng isang terrorism research expert na malaki ang posibilidad na kaya binomba ang Jolo, Sulu ay dahil sa pag-aresto sa lider ng Abu Sayyaf na si Anduljihad Susukan.

Ayon kay Philippine Institute for Peace, Violence and Terrorism Research chair Rommel Banlaoi, malinaw na madidikit sa Abu Sayyaf terrorist group ang nangyaring pagpapasabog na kumitil sa buhay ng 15 katao, at kinasugat ng lampas 70.

“Based on the documents I have, magkakaugnay ‘yan kasi iyang si Susukan ay main operative ng Abu Sayyaf sa mga kidnap for ransom, bombing operations nila,” lahad ni Banlaoi sa panayam sa DZBB.

Aniya pa, hindi na kailangang maglabas ng pahayag ng ISIS na sila ang may pakana ng naturang pagsabog dahil sila lang umano ang gumagamit ng babaeng suicide bomber.

“Hindi na kailangan ng official na statement ng ISIS [na sila ay may gawa], kasi iyong vehicle born IED, iyong female suicide bombing, isa lang ‘yan, ISIS-inspired groups tulad ng Abu-Sayyaf,” lahad pa ng eksperto.

Matatandaan na naaresto si Susukan sa Davao sa bahay ng communist leader na si Nur Misuari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?