402

Dec 16, 2019 @ 19:27
By

Jolo sa misis: ‘Ikaw ang matagal kong hinintay’

Pinakasalan na ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla ang girlfriend niyang beauty queen na si Angelica Alita sa California, USA nitong Lunes.

Naging emosyonal si Jolo habang naglalakad sa aisle si Angelica.

Sa palitan nila ng vows sinabi ni Jolo na dahil kay Angelica ay naging mabuting lalaki siya.

“Because of you and what you do, you made me a good man. Thank you for loving me. You made me realize that I don’t need to become someone else and pretend to be someone else. Tanggap mo kung sino ako at kung ano ako,” bahagi ng vow ni Jolo.

“Ikaw na ang matagal kong hinintay. Paulit-ulit kong pinapangako sa’yo, ikaw ang magiging sentro ng buhay ko, sa mata ng Panginoon. It’s all because of you I found peace and happiness,” dagdag pa niya.

Nangako naman si Angelica na magiging biggest supporter ng asawang si Jolo.

“Today, I vow to know myself as you and you as myself. I promise to dream with you and be your biggest supporter, to encourage you and to stand by you from this day forward,” ani Angelica.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?