0
views

By

Jolo Revilla, umaming mahal pa rin si Jodi Sta. Maria

Sharing is caring!

Diretsahang sinagot ni Cavite Vice-Governor Jolo Revilla ang tanong ng isa niyang Instagram (IG) follower via IG Questions Sticker (Ask Me A Question) sa kanyang IG Stories kung mahal pa niya si Jodi Sta. Maria.

Say ni Jolo sa tanong ni @_eihcimm (MiCHEE), “Yes! She brought out the best in me!”

Nu’ng birthday ni Jodi last June 16, nagpaabot ng birthday greetings ang bise gobernador ng Cavite sa magaling na aktes sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Dito nagsimula ang haka-hakang winakasan na nina Jolo at Jodi ang kanilang walong taong relasyon dahil daw walang ‘I love you’ sa caption nang una.

Sa caption ni Jolo sa photo ni Jodi na pinost ng actor/politician, sabi niya, “I wish you all the happiness in this world that you deserve. Thank you for bringing the best in me. Thanks for the wonderful 8 years! Happy birthday Jods! God bless always!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?