68
jolo-revilla
By

Jolo Revilla, grumadweyt ng kolehiyo

Sharing is caring!

Malaking challenge kay Jolo Revilla na pagsabayin ang kanyang pagiging aktor, public servant at estudyante.

Pero aniya, kinaya niya, dahil gaya ng marami, kapag ginusto ay mapagtatagumpayan ang bawat naisin.

“Being a public servant, actor and a student all at the same time is a great challenge. Pero tulad ng marami sa inyo, I made it. Kapag ginusto, kahit mahirap, hindi lang kakayanin, mapagtatagumpayan pa,” ang proud na sabi ni Jolo sa caption ng kanyang Instagram post kung saan makikita ang pakikipagkamay nito habang nakasuot ng toga sa stage.

Nakumpleto ni Jolo ang kanyang legal management course sa Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) sa Lyceum.

Ang sumunod na post niya ay kuha kung saan makikita ang 2018 graduates na kasama niya sa Philippine International Convention Center (PICC).

“Together with my fellow graduates, I’m taking a stand to serve our country by helping make education accessible to all. Lumang tugtugin man pero totoo, education is the only key to alleviate poverty,” sabi ni Jolo sa caption ng larawan.

Sa huling larawan kung saan hawak niya ang kanyang diploma ay pinasalamatan ni Jolo ang kanyang mga magulang, kaibigan pati na mga taong tumulong sa kanya para magtagumpay.

Maliban sa pagiging bise gobernador ng Cavite, abala rin si Jolo sa karakter nito sa TV series na “Ang Probinsyano”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?