24

By

Jolo Revilla, balik-pelikula

Sharing is caring!

Nagbabalik-pelikula ang actor/politician na si Jolo Revilla via ‘Tres’. Ito’y isang action movie na may tatlong episodes. Tatampukan ni Jolo ang ’72 Hours’, ang ’Virgo’ naman ay pagbibidahan ni Bryan Revilla, samantalang ang ‘Amats’ ay si Luigi Revilla ang bida.

Showing ang pelikulang ito sa October 3.

Last 2012 pa ang huling ginawang pelikula ni Jolo, ang ‘Si Agimat’, ‘Si Enteng Kabisote at si Ako’ na pinagbidahan nina Vic Sotto, Bong Revilla Jr., at Judy Ann Santos.

Lea­ding lady ni Jolo sa Tres si Rhian Ramos na first time niyang nakapareha at may special participation din dito ang ex-girfriend niyang si Lovi Poe.

Sinabi ni Jolo na si Jodi Sta. Maria ang first choice para maging leading lady niya sa movie, pero dahil sa sobrang busy ng aktres ay hindi raw ito natuloy.

Si former Senator Bong ang may gusto na gawin nila ang pelikulang Tres at ang pagbuhay sa Imus Productions. Kaya naisip ng magkakapatid na Jolo, Bryan, at Luigi ang naturang action film na isang trilogy.

“Ginawa namin ito para sa kanya (Bong) at higit sa lahat, para sa mamamayang Filipino at pinaghirapan namin ito,” saad ni Jolo sa kanilang pelikula.

Masaya ngayon si Jolo at mukhang inspirado dahil bukod sa pagsisilbi sa kanyang constituents sa Cavite at pagsabak muli sa pelikula, maganda ang role niya sa top rating TV series ng ABS CBN na ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?