5,771

By

Jollibee, PLDT, mga obispo kasama sa oust Duterte plot, ayon kay Paolo Duterte

Sharing is caring!

Ibinahagi ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Paolo ang listahan ng mga personalidad at kompanya na bahagi umano ng planong pagpapatalsik sa kanyang ama sa puwesto.

Sa kanyang Facebook post, nag-share si Paolo ng isang listahan na may titulong ‘ANTI-ADMINISTRATION GROUP, OUST DUTERTE MOVEMENT’.

Kasama sa listahan ang ilang prominenteng politiko at personalidad na sina Vice President Leni Robredo, former Vice President Jejomar Binay, Senior Associate Justice Antonio Carpio, former Chief Justice Hilario Davide, Associate Justice Marvic Leonen, Senadora Leila de Lima at Risa Hontiveros, dating Senador Francisco Tatad, at ilan pang government official na naging kasangga ni dating Pangulo Noynoy Aquino.

Maliban pa dito, ilang mga opisyal ng Simbahang Katolika ang isinama tulad nina Bishop Broderick Pabilo, Bishop Leo Drona, Bishop Antonio Tobias, Bishop Deogracias Iñiguez, Bishop Julio Xavier Labayen, Bishop Pablo David at Bishop Arturo Santos.

Pati ang mga kompanya tulad ng Jollibee Food Corp, Dole Philippines, PLDT, Philsaga Mining Corp., General Tuna Corp., at Sumi Philipines Wiring System ay kontra din umano kay Duterte.

Sina Filipino-American businesswoman Imelda Nicholas at PAGCOR director Carmen Pedrosa at asawang si Ramon Pedrosa ay nasali rin sa ilalim ng kategoryang Opus Dei (Funds).

Kahit mga retiradong military officers at general ay kasama din tulad nina Victor Corpuz, “Cunanan” at “Lampe, mga kolumnistang sina Randy David at Ducky Paredes, pati mga mamamahayag na sina Maria Ressa, Ellen Tordesillas, at Ed Lingao.

Ang mga dating government official naman na salo din ay sina former Social Welfare Secretary Dinky Soliman, former Budget Secretary Butch Abad, former police chief Allan Purisima, former Executive Secretary Paquito Ochoa, former agrarian reform Secretary Rene Villa, former anti-poverty commission head Imelda Nicolas, former Finance Secretary Cesar Purisima, former Customs chief Alberto Lina, former Trade Secretary Juan Santos, former Customs commissioner Guillermo Parayno at former political adviser Ronald Lamas.

Inisa-isa naman ng listahan ang Movement Against Tyranny, Tindig Pilipinas at Makabayan bloc bilang mga militanteng grupo na kasama rin sa plano umanong pagpapatalsik kay Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?