52

By

Jollibee delivery tinupad ang munting ‘hiling’ ni lola

Sharing is caring!

Isang pambihirang tagpo ang nasaksihan ng isang dalaga nang pagbigyan ng isang delivery crew ang samo ng isang 92-anyos na lola para maibsan ang gutom at mapadali ang pag-order ng lola.

Sa Facebook post ni Maris Mayol Tian, sinaad niya na tapos i-deliver ang kanyang pagkain ay bigla umanong nagtanong ang lola sa delivery crew kung puwede itong umorder sa kanya.

Hindi nag-atubili ang delivery crew at agad na kinuha ang order ng lola at tumawag sa isa sa kanilang mga branch para maihatid ang pagkain.

Umani na nang halos 51,000 shares ang post at saludo ang karamihan sa mabuting gawi ng delivery guy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?