JOLINA
By

Jolina stress na stress sa pagbubuntis

Sharing is caring!

Naku, dahil pala sa paraan ng kanyang pagkain, kaya hirap sa pagbubuntis sa kanyang second baby ang Magandang Buhay host na si Jolina Magdangal.

Unlike sa una niyang pagbubuntis, kung anik-anik ang nararamdaman niya ngayon na estrange sa kanya at nawiwindang ang beauty niya.

Kahit naman daw maganda ang tulog niya at nakapagpahinga siya, laging masama ang tiyan niya, feeling bloated raw siya, na parang hindi siya makahinga na nasusuka kaya kailangan daw niyang humiga at magpahinga pa.

Siyempre, worried din siya na baka epekto ito ng pagkakaaksidente niya noon, huh!

Kaya nga raw, noong isang araw na nasa Tagaytay sila para magbakasyon, kinakailangan nilang umuwi ng maaga para magpa-check dahil iba raw talaga ang pakiramdam niya.

Siyempre, worried siya dahil nasa ika-17th week pa lang siya ng pagbubuntis at ‘yun nga, hindi niya ito naranasan kay Pele.

Ayon nga sa kanyang OB-Gyne, kailangan lang niyang iwasan ang sobrang stress dahil nararamdaman ito ng bata at baguhin ang paraan ng kanyang pagkain.

Sa ngayon, wala pang sinasabi ang mag-asawa kung ano ang gender ng kanilang dyunakis, basta happy sila na growing healthy ang kanilang anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?