12

Jan 15, 2021 @ 20:28
By

Jolina reyna ng mga cactus

Certified plantita rin si Jolina Magdangal at nahihilig ito sa mga cactus.

Sa dami ng mga alaga niyang cactus ay maituturing nang Cactus Queen sa showbiz si Jolina.

Ikinuwento niya sa kanyang Instagram post na nabiktima siya ng mga tinik ng cactus.

Makikita sa mga photo ang maliliit na tinik na nakatusok sa mga daliri ni Jolina, na matiyagang binubunot ng kanyang hubby na si Mark Escueta.

β€œEto na naman po kami. Akala ko hindi makakatusok, pero ang dami pala!!! sinasabihan na ako ni Pele na wag ko hawakan pero di ako nakinig, ayan tuloy,” sey ng aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?