58

Sep 7, 2021 @ 15:40
By

Jolina Magdangal may banat kay bagyong “Jolina”

Hindi napigilang mag-react ni Momshie Jolina Magdangal sa kasalukuyang bagyo sa bansa na kapangalan niya.

“Kung ako ang masusunod, gusto ko umulan ng butterflies. Stay safe everyone,” anang aktres sa kanyang Instagram post kung saan makikita ang litarto ng #JOLINAPH.


Napa-comment naman dito ang kapwa niya momshie na si Karla Estrada at sinabing: “Sana mahinahon lang ‘yan tulad mo!”

Maging si Momshie Melai Cantiveris ay say may sey rin.

“be good to us,” aniya.

“Sana cute din ang ulan!” singit naman ni Vice Ganda.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, si bagyong Jolina na ang ika-10 bagyong bumisita sa bansa ngayong taon.

Nito lamang Lunes ng gabi nang tuluyan na itong mag-landfall sa probinsya ng Samar kung saan kasalukuyang nasa SIgnal No. 3 ang ilang lugar roon. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?