74
Jokic kalebel na sina LeBron, Wilt, Rondo
By

Jokic kalebel na sina LeBron, Wilt, Rondo

Sa kaagahan ng playoffs, kinukumpara si Nikola Jokic kay Wilt Chamberlain. Sumunod ay kay Magic Johnson naman.

Habang tumatagal, lumilinaw na mahirap palang ispelingin sa court si Jokic. Tulad ng pangalan niyang nakakalitong bigkasin – YO-kitch.

Dahil siguro tongue-twister ang pangalan, binansagan ng Joker ang 24-anyos na Serbian.

Ginagawang palaruan ng 7-foot center ang NBA playoffs kahit wala sa hulog ang laro.

Walang muscles sa katawan, mababang tumalon. Mabagal pang tumakbo. Laging nadudunggol sa ilong. Pero pang-MVP ang kalibre.

Si Jokic ang 41st overall selection ng Denver Nuggets noong 2014. Nasa second round ng playoffs sila sa Western Conference, tabla sa 2-2 kontra Portland Trail Blazers papasok ng Game 5 ngayon.

Naka-apat na triple-doubles na siya sa postseason, naga-average ng 24.5 points, 12.5 rebounds, 9.3 assists sa playoffs. Pampitong player siya sa kasaysayan ng NBA na naglista ng apat na triple-doubles sa isang postseason kasama sina Chamberlain, Johnson, Oscar Robertson, LeBron James, Rajon Rondo at Jason Kidd, ayon sa Elias Sports Bureau.

Namigay ng 14 dimes si Jokic sa kanyang playoff debut kontra San Antonio noong April 13. Dalawa lang silang sentro ni Chamberlain na may 14 o higit pang assists sa isang postseason game.

Sina Jamal Murray at Jokic ang first teammates na naglista ng 30-point game (Murray) at triple-double (Jokic) sa back-to-back playoff contests kasunod nina Kareem Abdul-Jabbar at Johnson noong 1980.

Laging parang hindi makapaniwala ang ekspresyon ng 250-pounder na si Jokic kapag natawagan ng foul, o kung hindi napituhan ang bantay.

Dahil mahusay din siyang pumasa – parang point guard ang talas ng mata sa court – ay may tanong kung alin ang pipigilin ng kalabang coach, ang kanyang shooting o passing.

“Good question,” buwelta ni Blazers coach Terry Stotts. “He’s one of those players that you don’t know what to take away because whatever you take away he’s got something else.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?