71

Jul 31, 2021 @ 13:22
By

Joke lang! Tony Hawk nilinaw viral post ni Didal

Binigyang-linaw ni American skateboarding legend Tony Hawk ang tungkol sa viral post ni Pinay skateboarder Margielyn Didal.

Ibinahagi ng binansagang Birdman ang nakatatawang karanasan niya sa isang interview.

Nakaabot na kasi sa mga international sports news site ang viral post ni Didal ngunit hindi lahat ay naka-gets na biro lamang ang caption niya.

“I was asked during an interview today: ‘How does it feel to go to the Olympics and not be recognized by competing skaters, like Margielyn Didal?’” kuwento ni Hawk sa Twitter.

“So I had to explain that she was joking with her caption. My life is weird,” dagdag niya.

Sa kanyang Instagram Stories nitong Sabado ay nag-react dito si Didal sa pamamagitan ng paglalagay ng mga laughing-out-loud emoji.

Ilang araw bago ang mismong skateboarding event sa Olympics ay nagkita sina Didal at Hawk sa Ariake Sports park.

Kilala sa pagiging masayahin, nagpalitrato si Didal kay Hawk, ipinost ito sa social media at nilagyan ng birong caption na: “This guy asked me to take a photo with him and I let him because he looks like Tony Hawk.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?