182

May 11, 2021 @ 10:59
By

Joke ba o seryoso na? Duterte mahirap intindihin – Lacson

Maaaring ‘joke’ o biro lang kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ilan sa kanyang mga pahayag subalit hindi aniya ito nakakatawa para sa mga Pilipino lalo na’t may kinalaman ito sa pangunahing isyu tulad ng usapin sa teritoryo sa West Philippine Sea.

Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson matapos ihayag ni Duterte noong Lunes ng gabi na nagbibiro lang siya sa kampanya noong 2016 kung saan sinabi nitong sasakay siya sa jet ski patungo sa Spratlys Island.

“It’s very hard to read his mind. He may be sending mixed signals such that we don’t know if he’s serious or joking. His spokesperson would say he is joking, but there are times he seems serious in his statements. We don’t know anymore. We have a very big problem in our hand,” pahayag ni Lacson sa panayam sa ANC.

“When he addresses the nation, we don’t know when he is joking or serious. Is it up to us to understand which is which? It’s really hard for Filipinos,” dagdag nito.

Dahil sa nakakalitong pahayag nito ng Pangulo, kabilang ang sinabi nitong ‘stupid’ lang maniniwala na sasakay siya sa jet ski, sinabi ni Lacson na panahon para matututo ang mga botante at kilalanin ang mga tatakbo sa eleksyon, hindi lamang sa pagka-presidente kundi ang iba mga posisyon tulad ng mga mambabatas.

Samantala, habang naguguluhan ang mga Pilipino, kabilang ang armed forces, sa mga pahayag ni Duterte, patuloy naman ang pananakop ng China sa teritoryo ng Pilipinas sa WPS.

“In the meantime, our fishermen are harassed in our own Exclusive Economic Zone (EEZ). We cannot fish and we’re losing billions and that affects our economy. China has become of late very aggressive to the point they rammed a commercial fishing vessel owned by Filipinos though of course they compensated,” sabi ni Lacson.

“We buy galunggong from China but the fish came from our waters. Isn’t it an irony we own the fish we are buying?” sambit pa nito.

Muling iginiit ni Lacson na panahon na para palakasin ng Pilipinas ang ugnayan nito sa mga natural nitong mga kaalyado tulad ng United States, Japan, Australia at mga bansa sa Europa.

Sa kaso ng mga European country, sinabi ni Lacson na nais nilang matiyak na may “balance of power” sa WPS dahil nangangamba sila na kung makokontrol ng China ang maritime lane sa South China Sea, magpapataw sila ‘fees’ sa pagdaan ng kanilang mga sasakyang pandagat.

“Each country works in its own interest. We should take advantage of that, that they have their own national interest to pursue in the WPS,” ayon pa kay Lacson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?