210

Jul 24, 2021 @ 14:14
By

Jojo Binay pasok sa senatorial slate ng Lacson-Sotto tandem

Tatakbong senador sa 2022 elections si dating Vice President Jejomar “Jojo” Binay.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III nitong Sabado, mapapasama si Binay sa senatorial slate nila ni Senador Panfilo Lacson.

Si Binay ang pinakabagong senatorial candidate ng Lacson-Sotto tandem.

Kamakailan ibinunyag na ni Sotto ang 10 personalidad na kasama sa senatorial ticket ng Nationalist People’s Coalition.

Ang mga nasa listahan ay sina dating senador JV Ejercito, Sorsogon Gov. Chiz Escudero, Sens. Sherwin Gatchalian, Richard Gordon, DICT Secretary Gregorio Honasan, Sen. Joel Villanueva, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at House Deputy Speaker Loren Legarda.

Kasama rin sa Lacson-Sotto senatorial slate sina Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez at dating Comelec commissioner Gregorio Larrazabal. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?