36

Oct 7, 2017 @ 15:29

Joint Task Force Marawi commander pinalitan

Si Major General Danilo Pamonag ang itinalaga ng Armed Forces of the Philippines nang bagong pinuno ang Joint Task Force Marawi.

Isinagawa turn-over ceremony kahapon sa mismong main battle area kung saan pinangunahan ito ni Armed Forces chief General Eduardo Año.

Si Pamonag ang pumalit kay Major General Rolando Bautista na ngayon ay umupo na bilang bagong Hepe ng Philippine Army.
Sinabi ni Bautista, saludo sya sa kakayahan ni Pamonag na mamuno sa grupo na kanyang katuwang sa pagmamando sa bakbakan sa main battle area sa Marawi.

Si Pamonag ang nanguna sa military operations sa 2013 Zamboanga Siege at naging pinuno rin sa Joint Special Operations Group (JSOG) na binubuo ng elite force.(Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?