46

Oct 27, 2017 @ 16:36

Joint Task Force Marawi, binuwag na

Dahil tapos na ang giyera sa Marawi City, binuwag na ang Joint Task Force Marawi at pinalitan ito ng Joint Task Group Ranao.

Sa Mindanao Hour kahapon sa Malacanang, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman Major General Restituto Padilla na dahil malaya na ang Marawi City laban sa mga terorista, tututok na ang gobyerno sa rehabilitasyon, reconstruction at tuluyang pagbangon ng lungsod.

Magkakaroon aniya ng tatlong malalaking composite engineering batallions mula sa Air Force, Army at Navy na naatasang tumulong para maibalik sa normal na pamumuhay ang mga naapektuhang residente.

Binigyang-diin ni Padilla na walang mga bagong mukha sa Joint Task Force Ranao at ito ay pamumunuan pa rin ni Col. Romeo Brawner na siyang tagapagsalita ng task force.

“Now that the Joint Task Force Marawi, the mission of which has been accomplished, which is to liberate Marawi itself, dissolved na po ito. At pumapasok na tayo ngayon sa isang full blown na rehabilitation, reconstruction at rebuilding ng Marawi and our long road to normalcy of the city.

And under Joint Task Force Ranao will be three big composite engineering battalions coming from the Army, the Air Force, and the Navy that will be the steady partners of our other agencies who are tasked to help in the road back to normalcy and in the rebuilding, rehabilitation and reconstruction of the city,” ang pahayag ni Gen. Padilla.

Kasabay nito sinabi ng AFP spokesman na nasa proseso pa rin ng clearing operations sa sentro ng bakbakan para matiyak na walang naiwang mga booby traps at mga hindi sumabog na bomba ng mga terorista. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?