23

By

Joint session sa BBL, hindi minamadali – Palasyo

Sharing is caring!

Hindi nag-aapura si Pangulong Rodrigo Duterte na maaprubahan ang Bangsamoro Basic Law (BBL) kaya magpapatawag ng special session sa Kongreso.

Ito ang nilinaw kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng malamig na pagtugon ng mga mambabatas sa panawagan ng Pangulo para sa isang special session at idinahilang maraming ginagawa para maipasa ang mga nakalinyang panukalang batas gaya ng pambansang budget sa susunod na taon.

Sinabi ni Roque na hindi sinabi ng Pangulo kung kailan ito magpapatawag at binigyang-diin lamang nito na hihingi ng special session kung kinakailangan.

Wala aniyang sinabi si Pangulong Duterte na gagawin ito sa mga susunod na araw o sa huling mga araw ng Disyembre dahil ang BBL ay nasa committee level pa sa kamara at may sapat pang panahon para mapag-usapan ito.

“The President didn’t say when he will actually call for the special session. He only emphasized that if need be, he will call Congress for a special session. He did not intend or he did not limit the time frame this year or the remaining part of December,” ang pahayag ni Roque.

Isa lamang aniya ang malinaw sa mensahe ng Pangulo, at ito ay maiparating sa kongreso na ang BBL ang isa sa mga prayoridad ng Duterte administration.

Batay aniya sa narinig niya sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAP), posibleng maipasa ang BBL sa Marso ng susunod na taon sa kamara. (Aileen taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?