46

Dec 22, 2017 @ 15:18
By

Joint resolution ng martial law extension, kinuwestiyon ni Lagman

Kinuwestiyon ni Albay Rep. Edcel Lagman kung bakit wala pa ang joint resolution sa inaprubahang isang taong martial law extension sa Mindanao.

Kantiyaw ni Lagman, ilang oras lang na pinagbotohan ang extension pero napakatagal ng written joint resolution.

“It is now taking the House and Senate officials too long to prepare and enroll the requisite joint resolution,” sabi ni Lagman.

Base sa pag-uusisa ng kongresista kay House Secretary General Cesar Pareja, nakikipag-ugnayan pa umano ang Kamara sa Senado para sa reconciled version ng nasabing resolusyon.

Ayon pa kay Lagman, sinabi naman ni Senate Secretary Lutgardo Barbo na hindi pa naipadadala ng Kamara sa kanila ang resolusyon dahil pinapipirmahan pa umano sa mga opisyal sa mababang kapulungan.

Sinita ng mambabatas ang liderato ng Kamara dahil tinulugan aniya ang paghahanda sa joint resolution matapos mag-adjourn ang sesyon.

“After sacrificing the Constitution to the altar of presidential importuning by extending baselessly martial law at the President’s behest, legislative high priests and their acolytes took a long nap without preparing and enrolling the necessary joint resolution,” ani Lagman. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?