37
edcel-lagman
Dec 24, 2017 @ 9:59
By

Joint Reso sa ML extension, sinadyang i-delay – Lagman

Naniniwala si Albay Rep. Edcel Lagman na planado ang delay sa paghahanda ng joint resolution para sa isang taong extension ng martial law sa Mindanao.

Katuwiran ni Lagman, minadali ang pag-apruba sa hirit na extension kaya kaduda-duda na inantala naman ang enrollment ng joint resolution.

Ayon kay Lagman, napag-alaman niya mula sa Senado na hanggang noong December 21 ay nasa opisina pa ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas ang resolusyon.

Dahil dito’y naghihinala ang kongresista na sinasadya ang pag-antala para hindi makakuha ng kopya ang mga nagbabalak na kuwestyunin ito sa Korte Suprema.

Paliwanag ni Lagman, sa sandaling maging epektibo ang extension sa January 1, 2018, mababalewala na ang anumang petisyon para magpalabas ng temporary restraining order (TRO) o writ of preliminary injunction.

“The patent design is to deprive challengers of the extension from attaching in their petitions before the Supreme Court the required certified true copy of the enrolled joint resolution,” sabi ni Lagman.

“Once the extension becomes effective, any petition or prayer for the issuance of a temporary restraining order (TRO) or a writ of preliminary injunction may be mooted,” dagdag ng kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?