32
james-johnson
Mar 20, 2018 @ 16:00
By

Johnson umeksena sa 2 OT win ng Heat vs Nuggets

Tinapos ni ang James Johnson kambal na overtime ng Miami Heat laban sa Denver Nuggets, 149-141, sa American Airlines Arena nitong Lunes.

Sapat ang ginawa ni Johnson na 10 na puntos sa ikalawang OT para pangunahan ang Heat.

Tabla sa 131-all ang iskor matapos ang unang overtime, pero dumale ng layup, dalawang basket at isang dunk si Johnson para iangat ang Miami.

Tumapos si Johnson ng 31 points habang may dobleng pigura rin sina Kelly Olynyk (30), Wayne Ellington (23) at Josh Richardson (17) para sa Heat.

Samantala sa Denver, pinangunahan ng 34 points ni Nikola Jokic sina Wilson Chandler (26), Jamal Murray (23) at Will Barton (22).

Dahil sa panalo ng Miami at pagkatalo ng Milwaukee sa Cleveland, 124-117, umakyat sa ika-pitong puwesto sa karera sa playoff ang Heat, kalahating laro ang lamang sa Bucks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?