140

Jul 14, 2019 @ 21:26

Johnson, PetroGazz pinutol ang pagrereyna ng Creamline, kampeon sa PVL

Kinoronahan nina Cuban import Wilma Salas at Janisa Johnson PetroGazz bilang bagong kampeon ng 3rd Premier Volleyball League 2019 Reinforced Conference tapos gulantangin ang Creamline Cool sa Game 3 winner-take-all, 25-15, 28-30, 25-23, 25-19, Linggo ng gabi sa Ynares Center, Antipolo.

Gold medal finish agad ang Angels sa unang pagsabak sa finals ng torneo at sinawata pang maka-grand slam ang Cool Smashers sa seasoin-opening tournament ng Sports Vision Management Group, Inc.

Humambalos si Salas ng 30 points, 26 mula sa atake at apat na blocks sa pag-eksena niya at pagkumpleto sa serye tapos maunahan ang kanyang batalyo sa opening game ng karibal .

“Nung nag-commit yung mga player coming to Game 2, they want to it. They want to get the championship na sabi ko nga sa tagal naming magkakasama ‘di ko nakita sa training but nung nag-training kami going to Game 2 and Game 3 talaga I feel in training na they want this championship talaga,” salaysay ni Angels coach Arnold Laniog.

Dagdag pa niya, “Sabi ko nga sa mga ganitong laban it’s more on not the coaches, kasi kami nasa gilid lang but in the end it’s the players. Yung desire ng players, yung drive nila to get the championship yun talaga, so I give the credit to the players talaga.”

Finals MVP si American import Janisa Johnson na may 23 points kasama pa ang 13 digs at 18 excellent receptions sa winning squad.

“It’s been a quite a journey, I mean we’ve been working from the start, of course we have our ups and downs and like of course we have been wanting this moment since the beginning and I’m proud of my teammates that we actually accomplished this,” litanya ng PetroGazz skipper.

Unang nakuha ng Creamline ang Game 1 ng finals nitong Miyerkoles pero tumukod ng Game 2, Sabado para mabuhayan ang Angels. (Janiel Abby Toralba)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?