143

Aug 12, 2020 @ 23:21
By

John Regala nakalabas na ng ospital

Matapos ang walong araw na pagkaka-confine sa National Kidney and Transplant Institute, makakauwi na sa bahay ang aktor na si John Regala.

Sumalang sa mga test si Regala kaugnay sa kanyang liver cirrhosis, gout at diabetes.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni showbiz writer Aster Amoyo na magpapagaling na lang sa bahay si Regala.

Nagpasalamat siya sa mga nag-donate para mabayaran ang hospital bill ng aktor.

“After eight days of confinement at the National Kidney and Transplant Institute (NKTI), actor John Regala is now homebound. Praying that he continues to get better everyday. Many thanks to all those who donated and helped John on his way to recovery,” ani Amoyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?