27

Oct 13, 2021 @ 19:47
By

John Paul I gagawing santo

Gagawing santo si Pope John Paul I, na 34 araw lang naupo noong 1978.

Ayon sa anunsyo ng Vatican, inaprubahan ni Pope Francis ang isang decree na kumikilala sa himala na nagawa ng Italyanong Santo Papa na si Albino Luciani o Pope John Paul I.

Naitalaga si John Paul I noong August 26, 1978 at pinalitan si Paul VI.

Hindi naman inaasahan ang pagkamatay ni John Paul I noong September 28, 1978 sa edad na 65 na pinaniniwalaang inatake sa puso habang siya ay natutulog. Pumalit sa kanya si John Paul II.

Ang canonization para kay Pope John Paul I ay dahil sa paggaling ng isang 11-anyos na babae na tinamaan ng malalang acute inflammatory encephalopathy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?