42

Dec 6, 2017 @ 13:27

John Mayer itinakbo sa ospital, tinanggalan ng appendix

Itinakbo sa ospital at kinailangang tanggalin ang appendix ng Rock singer-songwriter na si John Mayer na nagresulta sa pagka-postpone ng show nito kasama ang mga dating miyembro ng Grateful Dead.

Ang 40-year-old na si Mayer “was admitted into the hospital for an emergency appendectomy,” sabi ng kinatawan nito sa AP.

Ililipat naman sa ibang schedule ang nakatakda sanang show nito sa New Orleans.

Dati nang nag-concert sa Pinas si Mayer noong Oktubre 1, 2010 na ‘John Mayer Live’.

Nanalong Best Male Pop Vocal Performance sa Grammy Award noong 2003 si Mayer para sa hit song na “Your Body Is A Wonderland”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?