318

Oct 21, 2017 @ 14:02

John Lloyd, umarkila ng helicopter para kay Ellen

Base sa pinost na mga larawan nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa kanilang bakasyon sa Europe, walang dudang compatible at masaya ang dalawa sa kanilang companionship.

Gumastos talaga nang bonggang-bongga si Lloydie sa kanilang mga trips, gaya na lamang ng pag-arkila nito ng helicopter para masuyod nila ang tuktok ng nagyeyelong mga bundok sa Zermatt, Switzerland.

Sumakay pa sila ng train para lang makapunta sa iba’t ibang lugar sa Europe at nag-stay sa mga mamahaling hotel.
Nag-post si Ellen sa Instagram niya ng sosing lunch nila ni John Lloyd habang nakabalandra sa harap nila ang magandang tanawin ng bulubundukin ng Omnia.

Maraming dahilan si Ellen para umapaw sa kaligayahan at pag-ibig nito dahil sa importansiyang ibinigay sa kanya ni John Lloyd.

‘Rich and famous’ nga ang drama ng dalawa sa mga rampa nila sa Europe na alam mong binaklas ng aktor ang ilang porsiyento ng kinita niya sa showbiz para lang makapag-relax kasama ang kanyang mahal.

Sa isang long shot photo ng aktor na pinost ni Ellen sa kanyang IG, habang ang background ay nagyeyelong bundok sa Switzerland, wagas ang kasiyahan ng aktor ng mga sandaling iyon.

Kung sakali mang biglang magdesisyon si Lloydie na alukan ng kasal si Ellen, hindi na dapat pagtakhan dahil parang ngayon lang naging super-open ang aktor sa kanyang lovelife.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?