76

Oct 8, 2017 @ 12:18

John Lloyd-Toni sitcom, tsutsugiin na?

Ano kaya ang susunod na kabanata para sa sitcom na Home Sweetie Home ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga na umeere tuwing Sabado nang gabi?

May mga chika kasing kumakalat na baka mag-reformat daw ito o baka mamaalam na raw. Huwag naman sana dahil maganda naman ito panoorin ng buong pamilya every weekend.

Personally, I like seeing Sandy Andolong sa programa nila. Tsaka, magbabalik pa nga si Marlou Arizala, este, Xander Ford na nga pala na ka-love team ni Miles Ocampo sa show. Ready na kayang makatambal ng young actress ang bagong mukhang si Xander?

Nu’ng tanungin namin ang isang insider tungkol sa chismak ay pinabulaanan niya ito at sinabing naka-indefinite leave lang daw si kuya. Tinanong namin kung sino si kuya. Si John Lloyd pala ang tinutukoy na si kuya na tawag siguro sa kanya sa kanilang sitcom.

Sa mga larawang kuha mula sa birthday party ni Maja Salvador last Thursday night, tila may kulay ang buhok ngayon nito. (FRANCE SIMEON)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?