185

Jun 25, 2022 @ 17:02

John Lloyd tinuka rumored GF sa harap ng mga katrabaho

Kinilig ang mga katrabaho ni John Lloyd Cruz sa sitcom na ‘Happy ToGether’ matapos bumisita ang rumored jowa ng aktor na si Isabel Santos.

Naroon si Isabel upang sorpresahin si John Lloyd sa kanyang ika-39 kaarawan noong Biyernes.

Makikita sa IG post ni Jayson Gainza na hawak ni Isabel ang birthday cake ni John Lloyd habang inaawitan nila ito ng happy birthday song.

Matapos ang awit, hinipan ni John Lloyd ang candle sa cake, sabay halik sa pisngi ni Isabel.

Hiyawan naman ang mga nasa set ng sitcom nang halikan ni John Lloyd ang rumored jowa.

Nagsimulang kumalat ang tsismis sa relasyon nina John Lloyd at Isabel noong Setyembre 2021. Gayunman, wala pa riin opisyal na pahayag ang dalawa sa estado ng kanilang relasyon.

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?