84
john-lloyd

John Lloyd, tinawag na adik sa bagong ‘look’

Sharing is caring!

Bago ang hairstyle ng aktor na si John Lloyd Cruz na kagagawan ng girlfriend niyang si Ellen Adarna.

Sa video na ipinoste ni Adarna, makikita ang pagkalbo nito sa gilid ng buhok ni Lloydie na mala-mohawk ang dating.

Bukod dito ay may bagong buhay na rin umano si John Lloyd dahil isa ito sa featured artists sa isang art exhibit sa University of the Philippines.

Tumanggi namang magpa-interview ang aktor nang lapitan ito ng reporter.

Wala ring linaw kung kailan o magbabalik pa ba sa showbiz si John Lloyd.

May ilang netizen naman ang hindi nagustuhan ang bagong hairstyle na ito ni Lloydie, ang iba ay tinawag pang adik ang aktor:

(@elvisignaciooo): Adik na ata to hhahhahaha.

(@paatwisha): Parang may palong.

(@rafaelgmendoza): agikkk sobrang stressed na ata.

(@Pauline78815007): Adik!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?