128
ellen-adarna
By

John Lloyd tanggap ng pamilya ni Ellen Adarna

Sharing is caring!

Bagamat wala pang naamoy na kasalan sa magkasintahang sina John LLyod at Ellen Adarna, itinuturing nang member ng family ang aktor ng pamilya ni Ellen.

Muli humamig nang maraming favorable comments at likes ang pinakabagonglInstagram posting ni Ellen kung saan may family group photo ito na kasama na si John Lyod.

Makikita sa larawan na nakaupo sa sahig si John Lyod kung saan nasa likod nya si Ellen.

Nasa photo ang parents ni Ellen maging ang kanyang mga kapatid, asawa nang mga ito at kani-kanilang mga anak.

Larawan nang masayang pamilya sina Ellen at base sa pagkakangiti ni John Lyod, wagas ang kasiyahan nito sa pamilya nang kasintahan.

Yun nga lang bigo pa rin ang followings ni Ellen na masilip ang baby bump nito dahil natatakpan ni John Lyod ang tyan nang aktres.

Sinadya o hindi sadya ay malaking palaisipan sa mga fans nang dalawa na hanggang ngayon ay hindi pa rin umaamim sa ipinagbubuntis ni Ellen.

May mga nagtanong kung bakit kinakailangang pang i-sikreto at huwag i-share sa publiko ang napapabalitang pagbubuntis ni Ellen.

Pagtatanggol naman nang isa niyang following, may mga endorsements daw ang aktres na makaka-apekto sa kanyang kontrata kaya naman hangga’t maari ay ayaw muna nila itong ilantad sa publiko.

Anyways, base sa larawan mukhang tuluy-tuloy pa rin ang smooth-sailing relationship nang dalawang Kapamilya stars.

Mukha ring nagkalaman na si John Lyod na makikita sa hubog ng kanyang mukha, kumpara noong kasagsagan nang Bantayan Island get-away nila ni Ellen na pinuna nang marami ang payat na pangangatawan ng aktor, maging ng pangingitim ng eyebugs nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?