49

Oct 12, 2017 @ 10:22

John Lloyd, ‘PAKAKASALAN’ si Ellen sa abroad? Wedding ring, P7M ang presyo

MAY nasagap akong kuwento tungkol sa love story nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Nataranta raw ang ilang taong malapit sa Kapamilya actor dahil may nakarating sa kanilang balak na raw pakasalan ni John Lloyd si Ellen sa abroad.

Hindi namin nakumpirma kung totoo ito, dahil wala pa namang pahaging na ganu’n ang dalawa sa mga social media accounts nila. Pero, ang chicka nga, may sumunod daw doon sa dalawa para alamin lang kung itutuloy nga ang balak nilang pagpapakasal?

Na-connect tuloy namin sa isa pang nasagap naming kuwento na merong mamahaling singsing na balak bilhin ni John Lloyd noon. Hindi naman daw sinabing para kay Ellen ang singsing na iyun, pero sobrang mahal daw ang singsing, dahil sa laki ng bato. Kung hindi kami nagkamali, aabot nang mahigit P7M ang presyo nito.

Hindi lang kami sure kung natuloy ang pagbili dahil nu’ng huling nabalitaan namin ay nagtatawaran pa sila sa presyo bago ito lumipad pa-Morocco. (GORGY RULA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?